Ang Lukemya ay isang kanser sa dugo at sa bone marrow. Ang bone marrow ay isang parte ng buto na esponghado at ito ang nag-gagawa ng mga selula ng dugo: puting selula, pulang selula at platelet. Ang puting selula ay tumutulong sa katawan para labanan ang mga impeksyon. Ang pulang selula ay nagdadala ng oksiheno pamula sa baga hanggang sa ibat ibang parte ng katawan. Ang mga platelet naman ang mga namumuong dugo para kontrolin ang pagdurugo. Sa stem cell ng bone marrow nagmumula ang mga selula na maaring maging puting selula, pulang selula o platelet hanggang sa dumami sila ng sapat sa isang prosesong tinatawag na differentiation.
Kapag meron lukemya, ang bone marrow ay bumubuo ng mga murang puting selula na tinatawag na “blasts”, mas dumadami sila kesa sa mga normal na selula at nagiging hadlang ito para magampanan nila ng ayos ang mga kanilang tungkulin.
Ang uri ng lukemya ay depende sa puting selula ng dugo na apektado, maari itong myelocytic o kaya lymphocytic. Ang isa pang uri ng klasipikasyon ay depende naman sa bilis ng paglala ng sakit: chronic o acute. Ang chronic na lukemya ay mas mabagal lumala kesa sa mga acute. Merong apat na uri ng lukemya:

Acute Lymphoblastic Leukemia (ALL)
Acute Myelogenous Leukemia (AML)
Chronic Lymphocytic Leukemia (CLL)
Chronic Myelogenous Leukemia (CML)

Para sa iba pang impormasyon dito.

Ang lukemya ay hindi natatanging kanser sa dugo, kabilang rin nito ang Lymphoma at Myeloma. Para sa iba pang impormasyon para sa Lymphoma dito at para sa Myeloma dito..

Ang Lukemya ay HINDI nakakahawa!

Tinatayang 54,270 na babae at lalaki ang mada-diagnose at 24,450 na lalaki at babae naman ang mamatay dahil sa lukemya sa 2015, ito ay sa US lamang (162,020 na lalaki at 56,630 na babae naman kung isasama rin sa bilang ang Lymphoma at Myeloma). Ang Lukemya ay nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga bata sa buong mundo.
Kahit na ang pananaliksik ay mahusay na ang narating, marami pa ring uri ng lukemya ang walang lunas o kaya, kung meron man, ito ay masakit at mapanganib para sa pasyente. Bukod dito halos lahat ng bansa ay hindi kaya ang mga mamahaling gamot para labanan ang lukemya.

Hindi natin mababago ang nakaraan, ngunit pwede tayo gumawa ng pagbabago para sa ating kinabukasan. Kung sino man ang hindi kumbinsido sa mga naiitulong ng pananaliksik, lumingon sa nakaraan at hindi mapagkakaila na dati rati lamang ay marami ang namamatay sa sakit na hindi nakakapinsala tulad ng trangkaso.

Ang BEAT LEUKEMIA ay nakatuon para maiwasan itong delikadong sakit na nakakamatay; tulungan mo kaming makamit ang pagbabago.

1. Mula sa : American Cancer Society (2015). Mga katotohanan at numero tungkol sa Kanser, p. 4. Makita online here.

www.beat-leukemia.org

Seguici su

Sostieni Beat-Leukemia

Fai la donazione

Puoi scriverci ora

info@beat-leukemia.org

Fondazione Beat Leukemia Dr Alessandro Cevenini - CF 94618790151 | Legal Notices | Realizzazione sito web: Progetto Web