Ang salitang ito ay madalas na ginagamit upang
ipakilala ang isang klase ng pagamot sa ibat ibang
uri ng kanser, kabilang na dito ang lukemya, ang
kanser sa bone marrow at sa dugo. Gayunman hindi pa
rin malinaw sa karamihan kung ano talaga ang
chemotherapy.
Ang layunin ng artikulong ito ay liwanagin kung ano
ang chemotherapy at saan ito ginagamit, ano-ano ang
mga bumubuo dito, kung paano sila gumagana at ano
ang pankaraniwang side effect, at para na rin
magbigay ng payo kung paano harapin ng maayos ang
epekto nito.
Tulad sa ginagawa ko sa aking “blog” parte ng Beat
Leukemia, isinulat ko itong artikulo base sa aking
karanasan at sa mga nakita kong malimit nangyayari
sa ibang pasyente. Iniimbita ko ang mga nagbabasa na
sagutin ang mga comment na nasa ibaba ng pahina,
lalo na kung alam ninyo ang iba pang masasamang
epekto ng gamot at kung paano ito harapin.
Ang chemotherapy ay isang klase ng gamot na
ginagamit para puksain ang mga selyula na may kanser,
may mga protokol na sinusundan sa bawat uri ng
kanser, ito ay ibinabase sa parametro ng bawat
pasyente at depende sa edad, timbang at sa kondisyon
ng kalusugan.
Ang chemotherapy ay maaring ibigay sa iba’t ibang
anyo, tulad ng:
- Intravenous, pinapadaan sa ugat sa pamamagitan ng
sunda (CVC)
- Injection, intinuturok ito sa laman o sa ilalim ng
balat
- Tableta na iniinom.
larawan: pagsasalin ng chemotherapy gamit ang central venous catheter (CVC).
Ang mga gamot na ito ay inaatake at pinupuksa ang
mga selyula na may kanser. Sa kasamaang palad, hindi
nila kayang piliin ang mga may kanser sa mga ayos na
selyula at isa ito sa masamang epekto ng gamot.
Araw araw ang selyula ng ating katawan, lalo na ang
mga “mabibilis na dumadami”, namamatay at handa
namang napapalitan palagi ng panibago mula sa ilalim
na layer. Ganito ang ginagawa ng ating balat o buhok.
Ang chemotherapy ay pansamantalang nagiging hadlang
sa paggawa ng mga panibagong selyula, kaya kapag
namamatay ang mga selyula na nasa ibabaw, walang
makakapalit sa kanila na panibago. Sa kaso ng balat
ito ay natutuklap, parang balat na nasunog sa araw.
Kapag nangyari ito sa loob ng bibig, ang tawag dito
ay “mucositis” na nagdudulot ng sakit sa bibig at sa
lalamunan, sa sobrang sakit nagiging imposible nang
lumunok ng anumang pagkain o inumin. Ang mucositis
ay maari ring mangyari sa tiyan, sanhi ng pagkahilo,
pagsusuka at ng walang ganang pagkain, sa bituka
naman ito ang dahilan ng diarrhea, sa dulo ng bituka
ito ang dahilan ng pagkakaroon ng almuranas. Kung
ano ang nagiging epekto at kung gaano kalakas, ito
ay depende sa dosis ng chemotherapy, sa tipo ng
gamot na gamit o kaya’y kung gaano kalimit ang siklo
na nagawa. Ito ay iba iba sa bawat pasyente. Ang
epekto ng chemotherapy ay naiipon at nagiging mas
mabigat, at matagal ito bago maalis sa katawan.
Para naman sa pagsusuka, ngayon ay mayroon nang
mabibisang gamot na pangontra dito na maaring ibigay
sa pasyente bago sumailalim sa chemotheraphy o kaya’y
kung kinakailangan. Habang lumilipas ang panahon ang
chemotheraphy ay nagbabago rin para mabawasan hangga’t
maari ang masasamang epekto. Makakatulong ang kumain
ng kaunti bago o habang sinasalinan ng gamot, at
subukang kumain ng madalas at pakonti konti.
Para sa problema sa bituka may mga gamot para sa
diarrhea. Para naman sa almuranas konsultahin ang
espesyalista dito upang malaman kung ano ang
makakatulong para maiwasan ito bago sumailalim sa
chemotherapy. Ang bibig naman ay naapektuhan kapag
malakas ang chemotherapy. Walang magagawa para sa
mucositis, ganoon pa man may mga gamot na
nakakatulong para alisin ang sakit na nararamdaman,
at para maiwasan ang mga komplikasyon tulad ng mga
impeksyon dulot ng bakterya, kinakailangan ang
wastong paglilinis ng bibig, gumamit ng malambot na
sipilyo at ng sadyang pang mumog.
Naapektuhan rin ng chemotherapy ang sistema
reproduktibo. Sa pagtatalik naman kailangang gumamit
ng condom at linisin ng maayos ang katawan, lalo na
sa banda ng pagaari. Naapektuhan rin ng chemotherapy,
na maaring pansamantala o pang habang buhay, ang
posibilidad na magkanak. Kaya napakahalaga na
kunsulthain muna ang doktor BAGO simulan ang ano
mang paggamot, alamin kung ano ang mga available
ngayon na paraan para preserbahin ang sperm o kaya
ang mga obyul.
www.beat-leukemia.org
Fondazione Beat Leukemia Dr Alessandro Cevenini - CF 94618790151 | Legal Notices | Realizzazione sito web: Progetto Web