Ang pang-karaniwang senyas ng acute lukemya ay ang madaling pagpapasa o pagdudugo (ito ay dahil sa kakulangan ng platelet), pagiging maputla o hindi kapalipaliwanag na panghihina (ito ay dahil ng anemya), paulit-ulit na maliliit na impeksyon o matagal na paggaling ng maliliit na hiwa (dahil kakaonti ang puting selula).
Ang may mga chronic lukemya naman ay walang nararamdaman na sintomas at nakikita lang ito sa regular na checkup. Importante na ipaalala na ang mga sintomas na nabanggit ay nakikita rin sa ibang pangkaraniwan sakit at hindi nangangahulugan na ito ay lukemya kaagad. Ganoon pa man, ang paglaganap ng acute na lukemya ay mabilis at ang maagang pag susuri ay ang paraan para malabanan kaagad ito, kaya magaling na ang nagpapachek-up kaagad sa doktor kapag nakakaranas ng mga sintomas na nabanggit.

www.beat-leukemia.org

Seguici su

Sostieni Beat-Leukemia

Fai la donazione

Puoi scriverci ora

info@beat-leukemia.org

Fondazione Beat Leukemia Dr Alessandro Cevenini - CF 94618790151 | Legal Notices | Realizzazione sito web: Progetto Web