Ang pagpapagamot sa lukemya ay maaring maging mabigat para sa pasyente, pisikal man o sikolohikal. Mahirap ang maging malayo sa lahat at nag-iisa ng mahabang panahon, dahilan ng madaling pagsuko. Ipaalam ninyo sa mga kaibigan o kamaganak na andyan kayo, iparamdam ninyo kung gaano ninyo sila namimiss, iparamdam na gusto ninyong makabalik sila ng mas maaga para hindi nila malimutan ang magandang premyo na naghihintay kapag naging matatag sila: ang makabalik sa kanilang buhay.
Alalahanin na ang mga pasyente na may lukemya ay mataas ang probabilidad na magkasakit dahil ang chemotherapy ay pinapababa ang puting selula ng dugo (ang mga lumalaban sa mga impeksyon sa katawan), kaya kailangan maghugas malimit ng kamay, kung meron mang sipon o ubo kailangang huwag lumapit. Sila ay mahina kesa dati at maari silang hindi makasali sa lahat ng mga aktibidad. Siguraduhin na ang mga aktibidad na inorganisa mo o kung saan iniimbita sila ay kaya rin nilang gawin.

www.beat-leukemia.org

Seguici su

Sostieni Beat-Leukemia

Fai la donazione

Puoi scriverci ora

info@beat-leukemia.org

Fondazione Beat Leukemia Dr Alessandro Cevenini - CF 94618790151 | Legal Notices | Realizzazione sito web: Progetto Web