Beat-
Leukemia
.org
Multi language resources for leukemia fighters.

Pagpapalaganap ng mga mahahalagang impormasyon at katotohanan upang makapagbigay ng kaalaman sa ibat ibang wika ng bansa.

Kilalanin at pagsamasamahin ang mga napapagkatiwalaan na institusyon para sugpuin ang lukemya sa bawat bansa.

Ang pananaliksik ay para sa buong daigdig, ang lukemya naman ang KABAHAGING kaaway.


Hindi importante kung saan, paano o gaano ang maiaambag mo: ano man ito ay mahalaga pa rin!

Tungkol sa Beat Leukemia


Ang Beat Leukemia ay nagsimula noog Oktubre 2007 sa talakayan ng isang grupo sa pamamagitan ng Facebook. Ang lumikha nito ay si Alex Cevenini, nais niyang hikayatin ang karamihan tungkol sa lukemya at sa mga sakit sa dugo, at magbigay ng suporta sa mga tao na may ganito ding kapansanan.

Noong 2010 ang miyembro nito ay humigit na sa 7000, nagsimula ito na maging tulay sa mga tao na nangangailangan at nais tumulong. Ang websayt na ito ay nabuo dahil sa pagsisikap ng bawat miyembro, at nais rin nila ito iparating sa mga tao na nasa labas ng Facebook.

Dito ninyo makikita ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa lukemya at kung paano ito ginagamot, pati na rin ang mga ilang payo sa mga kaibigan at kamaganak kung paano unawain at matulungan ang mga tao na may sakit na lukemya. Sa seksyon ng “tulungan ang BL” mabibigyan pansin ang isa sa pangkaraniwang isyu ng isang kawanggawa: Tiwala. Kapag pumipili ng sasalihan na adhikain, kalimitan ang mga tao ay naguguluhan na dahil sa sobrang dami ng mga organisasyon na nangangailangan ng pondo, minsan hindi rin tayo nakakasigurado sa kanilang kabutihan. Sa samahan ng Beat Leukemia na matatagpuan ninyo sa facebook mayroong seksyon na makikita ng lahat ang mga usapan tungkol sa mga organisasyon kung saan mismo sila nakipagugnay, o kaya kung sino ang mga natulungan ng beat leukemia. Ang mga organisasyon na ito ay naka-lista dito, organisado ayon sa bawat bansa at laging ina-update.

Kung ikaw ay isang organisasyon at sa palagay mo ay dapat ka rin andito, maari mo kaming padalhan ng email sa info@beat-leukemia.org



Ang Segreto ay Buhay

ay isinulat ni Alex Cevenini

Ang libro “Ang Segreto ay Buhay” ay inilathala sa English!

mag-click dito upang mag-order ito

www.beat-leukemia.org

Seguici su

Sostieni Beat-Leukemia

Fai la donazione

Puoi scriverci ora

info@beat-leukemia.org

Fondazione Beat Leukemia Dr Alessandro Cevenini - CF 94618790151 | Legal Notices | Realizzazione sito web: Progetto Web